Thursday, July 14, 2005

gusto ko ng baboy
listening to: radioactive sago project
wishes for: baboy
mood: !


better get your babel fishies ready, folks!


gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. gusto ko ng babababoy, pare, gusto ko, gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. gusto ko ng babababoy man!

alam n'yo, bata palang ako mahilig na talaga ako sa baboy. lagi ako nagpapabili sa nanay ko ng baboy. sabi ko, "ma, bili mo ako ng baboy. yung cute. yung pink. yung maliit. yung may ribbon sa leeg." sabi ng nanay ko, "bakit mo gusting magpabili ng baboy, anak?" sabi ko, "dadalin ko sa eskwela. kasi nay, lahat ng tao mahilig sa baboy. malay mo, pag nakita ng teachers ko yung baboy, matuwa sila kasi gusto nila ng baboy eh. baka bigyan pa ako ng mataas na grado." sabi ng nanay ko, "hindi mo pwede dalhin ang baboy sa eskwela, anak! baka magkalat lang yan dun." sabi ko, "nay, hindi mo ako naiintindihan.buo ang loob ko, dadalin ko sa es-kwe-la."

kaya gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. gusto ko ng babababoy, pare, gusto ko, gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. gusto ko ng babababoy man!

kaya, nung lumaki na 'ko, hindi parin nawala ang hilig ko sa baboy. palagi ako nagtratrabaho para makabili ng baboy. minsan nga, nagagalit na sa akin yung asawa ko dahil puro baboy, baboy, baboy na lang daw ang nasa utak ko. sabi niya, "walanghiya ka, puro ka na lang baboy,baboy, baboy, ang payat-payat mo naman!" sabi ko, "walanghiya ka rin, hindi mo 'ko naintindihan. baboy ang kailangan ng katawan ko. baboy ang kailangan ng katawan mo. baboy ang kailangan ng katawan nating lahat. hindi mo ba alam, ang nagpapatakbo ng mundo ay baboy, baboy, baboy. hindi mo ba alam, diyos mo ay baboy. baboy. tama. diyos natin ang baboy."

kaya gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. gusto ko ng babababoy, pare, gusto ko, gusto ko ng baboy. gustong gusto ko ng baboy. gusto ko ng babababoy man!

kaya gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gustong, gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko, gusto ko ng baboy. gusto ko ng baboy. gusto ko ng ba, ba, baboy, pare, gusto ko, gusto ko ng baboy. gustong gusto ko ng baboy. gusto ko ng ba, ba, baboy man!

'lam n'yo, maraming klaseng baboy sa mundo. may baboy na maliit, may baboy na medium-size, may baboy na extra large, pero kahit anong gawin nila, baboy pa rin sila. pare-pareho lang mga baboy na yan. kahit anong sukat.. may baboy na dilaw, may baboy na asul, may baboy na pula, may baboy na puti, may baboy na pink, may baboy na green,may baboy na violet, may baboy na orange, pero kahit anong kulay mga yan, baboy pa rin ang mga yan! may baboy na matalino, may baboy na bobo, may baboy na macho.may baboy na seksi, may baboy na bakla, may baboy na mahirap, may baboy na mayaman. mas baboy ka pag mayaman ka. may baboy na businessman, may baboy na musikero, may baboy na makata, may baboy na basketball player, may baboy na baranggay tanod, may baboy na konsehal, may baboy na mayor, may baboy na congressman, may baboy na pulis, may baboy na teacher na nagtuturo ng kung anu-anong klaseng kababuyan. kaya wala na tayong magagawa, wala na tayong magagawa. napapaligiran tayong lahat ng baboy!

teka, pag-isipan natin 'to! baka, ako baboy, siya, baboy. ikaw, baboy. 'yun, baboy. 'di kaya... baboy tayong lahat?

kaya ayoko na ng baboy, ayoko na ng baboy, ayoko na ng babababoy, biik, ayoko na ng baboy, ayoko na ng baboy, ayoko na ng babababoy man!

No comments: